Mahirap gumawa ng isang napakalaking desisyon.
Kelangan pag-isipan ng bonggang bongga at dapat bigyan ng tamang oras. wag padalos dalos. Hindi tayo flashflood.
Nagsubmit ako ng resignation letter ngayong araw. Kinausap ko ang boss ko. Kinausap niya ako.
Nagshare ng thoughts, experiences and nagkwentuhan about life in general.
Gusto ko i-open na magreresign na ako pero nanghina ako. Mahirap palang sabihing "Boss, I resign". Di mo alam kung saan ka mag sisimula. Kung magfa-flowerty words with matching intro ka pa ba muna o kung ibu-burst mo nalang ang bubble bigla bigla.
MAHAL ko ang KOMPANYANG to. Madami ako natutunan. Pinaniwalaan nila ang mga kakayanan ko at naniniwala din ako sa mga misyon nila. Iba ang samahan dito. Boss man o empleyado pamilya ang turingan. Kaso, paminsan minsan, dumarating talaga ang unos at ang tag-tuyot sa paraiso. This time, pagkakataon na ang kalaban ko. Kahit gustuhin kumang hindi umalis ay kelangan na. Kahit mahirap, kahit mabigat sa damdamin.
Alam mu ba yung feeling na parang biglang napuno ng tubig ang dibdib mo at biglang bumigat ang pakiramdam mo? Yun at yun ang nararamdaman ko habang kasusap ko ang boss ko. Nakatingin ako sa mga mata niya at nakaramdam ako ng MATINDING lungkot. Paalam po MUNA boss.
"Pakikipagsapalaran lang po muna ako." sabi ko. "Kung hahayaan ng pagkakataon babalik at babalik ako dito."
Ngumiti lang siya.
God will never leave those who believes in Him. He will save us one way or the other.
Asan man ako mapunta. Ipagdadasal ko kayo. Sayang kinapos lang ako sa oras at pagkakataon. Basta MAGTIWALA lang kayo at Magiging maayos din ang lahat.:)
God bless.:)
Friday, August 26, 2011
Friday, August 19, 2011
Andalusia... Donde, donde Esta?
Kung meron mang isang salita na ang ibig sabihin ay ' a certain feeling of being angry, frustrated, confused, oblivious, furious, broken and broke all at the same time' eh yun na yong pinaka-salitang magdedescribe sa kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Ika nga, ang pagsasama sama ng lahat ng sama ng loob na parang isa kang SALAD ng kamalasan.
Nangyayari talaga to sa buhay naten. Yung mga tipong, Natrapik ka sa EDSA dahil sa sobrang baha, at dahil sa nalate ka e' sinisante ka kaagad sa trabaho, tumawag pa ang girlfriend mo para sabihin lang na break na kayo tapos biglang pa na snatch ang clephone mo... END OF THE WORLD?! PAK!
Asan na si Grasya, ang magliligtas sayo sa moment of DOOM... Asan na na ang silver lining behind the gray clouds? Asan na?
~
Wala akong pera ngayon.... May inaasahan ako pera pero di padin dumarating at marahil ay di na nga talaga dadating kumbaga 30-70 ang labanan. Hanakupo, ang hirap! Suffer kung suffer, Para lang akong ipis na nag-aantay sa wala... ika nga, Parang napakailap ng liwanag...
Isipin mo ha, kelangan ko na magbayad ng renta pero sinabi ko na lang sa landlady namin na. "Ate, next week nalang yung renta ha, ina-assess ko pa kung gusto ko pang magextend ng upa or maglilipat sa MAS MAGANDANG LUGAR." Puny3+@! WALA KA NA NGA PAMBAYAD, MAGLILIPAT KAPA SA MAS MAGANDANG LUGAR.... Nakupo!
Eto pa; nagtitiis ako sa Cellphone kung sirasira at di ko mapaayos ayos.. akalaen mo, namamatay pag nakakarecieve ng message? Parang -hinahaeart attack... Hassel! atsaka di parin ako nagpapalaundry... isang sako na ata ang labahan ko... isang tingin palang susuko ka na agad sa dami...
buti pa sa bukid, pumitas ka lang ng isang bunga ng papaya at manghuli ng naligaw na manok ng kapitbahay meron ka nang tinola. Sana na sa bukid nlang ako o sana may mga naliligaw na manok dito sa Maynila.
STOP NA!
TAMA NA!
AYOKO NA!
SOBRA NA!
SUKO NA AKO... SUMASAKIT NA ANG ULO KO... KUMIKIROT PA ANG BULSA KO.. KUMUKULO PA ANG TYAN KO...
ala pang 2012, gunaw na mundo ko!
(x_x) dead...
Thursday, August 18, 2011
Unang Capitolo: Ang Simula
Ako si Don Carlo at ito ang aking masaya at magulong mundo...
Mahilig akong magbasa pero di ako Genius (ilang beses nadin ako muntik mapatalsik sa school), Gustong gusto ang mga kwento tungkol sa mga dragon at sa mga batang hinahabol ng kamalasan at ng mga masasamang loob tulad ng Hansel and Gretel, Red Riding Hood at the Little Rascals.
Hindi ako naniniwala sa HAPPILY EVER AFTER. walang ganun! Tanungin mo man si Snow White.
Ayoko ng mga pakealamerong tao... gusto ko ako lang may hawak sa mga buhay ng mga tao mundo. Bwahahahaha (evil laugh!)
Ayoko ng peanut butter. Ewan, basta nandidiri ako sa durog na mani.
Magaling daw ako magsalita...In short, magaling daw ako manloko ng tao. idadaan lang kita sa maanghang at matamis na bola, parang sisig balls.
and best of all,
Kamukha ko daw si Piolo Pauscal. Oo!... WALANG BASAGAN NG TRIP...
Subscribe to:
Comments (Atom)
